UP rocks :)
UP won over DLSU! 61-56! sa wakas, natalo rin ang la salle - the only team that the maroons weren't able to defeat last season! ang sarap ng feeling. di ko ma-explain. nakakaiyak nga e nung last few seconds na lang tapos na-f-feel ko na na mananalo kami. surreal. sobrang saya talaga. kahit masama pakiramdam ko, di ko mapigilan sarili ko sa kakatalon at kaka-cheer kasi wow, overwhelming yung excitement at school spirit emanating from the UP crowd.
napagod nga ako after e tapos medyo nahihilo-hilo pa ako. sana hindi ako mabinat. after ng game, di agad pwede makauwi kasi kailangan ko pa hintayin yung sundo. buti na lang ambabait ng friends ko di ako iniwan alone. hehe. :> yung squad din hinihintay yung bus. nahihiya nga ako e kasi andon din sila tapos di pa ako umaalis kasi nga hinihintay yung sundo. eh may practice nga kami ngayon but since i don't feel well enough to be able to train, nagpaalam ako na di mag-p-practice.
bukas na lang.
nakaka-miss na rin kahit papano, ;)
and ang saya. they always start and end each game with a prayer. nice. tapos ang ganda nung msg nung dasal kanina. sana hindi raw maging overconfident, sana walang yumabang, at sa mga bagong drummers sana maka-draw ng inspiration, encouragement, etc. from the veterans. (sana nga. God knows I still need to learn a lot. onti pang "heart" at disiplina at faith sa sariling kakayahan. kaya yan.)
basta ang dami pa pero hehe, tinatamad na ako magsulat. may report pa akong tatapusin.
cge, i'll end here.
congrats UP!
i feel so proud. ;)



0 Comments:
Post a Comment
<< Home